-- Advertisements --

Inaprubahan ng House committee on trade and industry ang panukalang naglalayong gawing prime commodities ang personal protective equipment (PPEs) para makapagtakda ng price ceilings tuwing mayroong public health emergencies.

Apat na panukalang batas ang naihain sa Kamara na naglalayong amiyendahan ang Republic Act No. 7581 o ang Price Act, para madagdagan ang bilang ng mga produktong kinukonsidera bilang basic necessities at prime commodities.

Ang House Bill No. 6658 ay naglalayong isama ang PPEs tulad ng face mask, safety goggles at medical devices bilang prime commodities at magpataw ng price control measures para sa mga produktong ito sa panahon ng emerhensiya tulad ng mga public health crises.

Samantala, ang House Bills No. 1278 at 2662 ay naglalayon namang palawakin ang kahulugan ng basic necessities at prime commodities, para ang mga produkto tulad ng ptoable water sa mga containers, noodles, kerosene at liquified petroleum gas at waterproofed canvas bilang basic necessities.

Ang House Bill 5176 naman ay naglalayon na magpatupad ng automatic price control sa construction material sa ilang sitwasyon.

Hangad din nito na palawigin ang price preeze para sa mga construction materials ng 150 araw.