Isinusulong ngayon ang isang panukalang batas na naglalayong mabigyan ng buwanang allowance ang mga persons with disabilities (PWDs).
Ito ang House Bill 8223 na iminumungkahi ang paglikha ng isang Disability Support Allowance Program sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magbibigay ng inisyal na allowance na P2,000 kada buwan para sa PWDs.
Ipapatupad ang naturang programa sa tatlong bahagi.
Sa unang tatlong taon ng implementasyon ng programa, ibibigay ang allowance para sa mga batang may kapansanan gayundin sa adults na mayroong significant disabilities na humaharap sa mataas na gastusin at PWDs na benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), Social Pension for Indigent Senior Citizens at iba pang kahalintulad na mga programa.
Sa ikalawang bahagi naman ng programa na ipapatupad sa susunod na tatlong taon, saklaw na rin dito ang mga PWDs na wala o may mababang income gayundin ang mga PWDs na humaharap sa malaking gastusin dahil sa kanilang kapansanan na negatibong nakakaapekto sa kanilang pamumuhay.
Sa ikatlong bahagi naman ng programa, na ipapatupad makalipas ang anim na taon, lahat ng PWDs ay magiging bahagi na ng programa.
Ayons a may-akda ng panukala na si Camarines Sur second district Rep. Luis Raymund “Lray” Villafuerte, base sa 2016 National Disability Prevalence Survey, nasa 12% ng adult population ng bansa ay mga PWD.
Samantala, may kaukulang multa naman para sa mga magpapanggap na PWDs o tutulong sa nagpapanggap na PWDs para ma-claim ang naturang allowance kung saan mumultahan ng P25,000 hanggang P50,000 ang mga ito para sa uanng paglabag, P50,000 hanggang P100,000 namanpara sa sumunod na paglabag.
Last edited by forever on Thu Jun 29, 2023 1:38 pm, edited 2 times in total.