Inaprubahan na ng Kamara de Representa sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, sa ikalawang pagbasa ang House Bill 6717 sa pamamagitan ng viva voce voting, na naglalayong suspindihin ang paggamit ng mother tongue bilang medium ng pagtuturo sa Kindergarten hanggang Grade-3.
Sa nasabing panukala aatasan nito ang Department of Education sa pakikipag-ugnayan sa Komisyon sa Wikang Filipino, na magpa -imprenta ng mga aklat at iba pang gamit at materyales sa pagtuturo na isinalin sa mother tongue.
Layon nito na tugunan ang kakulangan ng mga materyales sa pagtuturo sa mother tongue sa mga paaralan at tiyakin ang pagtalima sa konstitusyunal na mandato, na makapagbigay ng kalidad na edukasyon na maa-akses ng mga mag-aaral sa basic education.
Ayon kay House Committee on Basic Education Chairman at Pasig Representative Roman Romulo na ang bansa ay mayruong 180 dialects, 19 major dialects at walang kumpletong set of learning material o libro na magagamit para sa 19 na major dialects.
Nilinaw niya na sususpindihin lamang ng panukala ang pagpapatupad ng batas at hahayaan ang mga paaralang gumagamit ng kanilang sariling wika na magpatuloy kung ito ay masuri na epektibo.