-- Advertisements --

Naghain ng panukala si Senator Lito Lapid na mag-aatas sa Philippine Contractors Accreditation Board (PCAB) na limitahan lamang ang pagpayag na makisawsaw ang mga foreign contractors sa mga proyekto ng bansa.

Layunin ng hakbang na ito ng mambabatas ay para maprotektahan ang karapatan ng mga local firms sa bansa.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 1889, tanging special license lamang ang maaaring ibigay sa mga foreign contractor.

Ang naturang lisensya ay magbibigay ng pahintulot sa licensee na makiisa lamang sa pagtatayo ng mga single, specific o undertaking project, ayon sa Construction Authority of the Philippines.

Nagsisilbi aniyang “prime movers” sa ekonomiya ng bansa ang construction industry.

Batay pa sa 2018 Construction Industry Performance Highlights na inilabas ng Construction Industry Authority of the Philippines, nakasaad dito na aabot dapat ng 9.4 percent o halos apat na milyong construction worker ay muyula sa Pilipinas.

Subalit dahil sa COVID-19 pandemic ay tila nahadlanagan ang mga proyekto ng construction sector.

Nais ni Lapid na magkaroon ng isang batas na poprotekta sa local construction industry ng bansa at sa gayon ay mabigyan din ng rasonableng in-roads para sa mga local contractors.