-- Advertisements --

Tinamaan ng Russian drones ang port facilities sa Izmail sa River Danube sa Ukraine.

Nasa 40,000 toneladang mga trigo na patungo sa African countries, China at Israel ang nasira.

Labis na nasira ang bodega ng trigo at ang elevator para sa paglalagay ng mga ito.

Sinabi ni Ukrainian minister Oleksandr Kubrakov na sinimulan ng Russia ang pag-target sa mga pantalan ng Ukraine matapos na umatras sila sa UN grain deal.