-- Advertisements --
FACEMASK
People wearing face masks as protection against the coronavirus disease (COVID-19) while inside the market in Marikina City. DOH says face mask policy still implemented amid circulating 2020 advisory/walter bollozos

Suportado ng isang health expert ang paninindigan ng Department of Health sa boluntaryong paggamit ng mga face mask sa kabila ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.

Ngunit ang masking ay dapat hikayatin sa mga high-risk, vulnerable population tulad ng mga taong immunocompromised at hindi nabakunahan ayon kay infectious disease expert Dr. Rontgene Solante.

Aniya, nakikita ng DOH na hindi na kailangang muling ipatupad ang mga mahigpit na panuntunan sa facemask kahit na may pagtaas sa mga impeksyon sa COVID19.

Dagdag dito, hindi rin aamyendahan ang quarantine at isolation protocol ng bansa.

Ayon pa sa eksperto, ang kamakailang pagtaas sa positivity rate ng COVID-19, o ang porsyento ng mga pagsusuri na lumalabas na positibo para sa virus, ay hindi rin dahilan ng pagkaalarma ng departamento.

Karamihan umano sa mga kaso ay mild at malamang aniya ito ay ang mga hindi pa nabakunahan o bahagyang nabakunahan pa lamang.

Giit ni Solante, ang pagtaas ng kaso ay habang mas maraming tao ang nagtitipon at naglalakbay dahil sa mas pinaluwag na COVID19 protocol ng bansa pati na rin ang pagkakaroon ng mga subvariant ng omicron.