kabulsgd
-- Advertisements --

Agad na pinapaalis ng US Embassy ang kanilang mamamayan na nasa Kabul airport pa rin dahil sa panibago umanong banta muli na pag-atake ng mga ISIS-K terrorists.

Sa inilabas na babala, inabisuhan ng Amerika ang natitira pa nilang mamamayan at iba pang sibilyan sa mga gates ng airport na lumikas na sa lalong madaling panahon.

Liban nito, pinagbawalan na rin muna ang mga naiipit pang US citizens na magtungo sa airport.

Kung maalala bago pa man nangyari ang suicide bombing nitong nakalipas na araw sa Hamid Karzai International Airport ay naglabas din ng warning ang intelligence network ng Estados Unidos kaugnay sa bombing attack.