-- Advertisements --

Magkakasabay na ipinatupad ng mga kumpanya ng langis ang dagdag presyo ng kanilang produktong petrolyo.

Kaninang ala-6 ng umaga ay sinimulan ng mga kumpanya ng langis ang dagdag na P0.90 sa kada litro ng diesel.

Mayroong namang P0.30 ang itinaas sa kada litro ng gasolina.

Habang ang kerosene ay tumaas din ng P0.90 sa kada litro.

Itinuturing na dahilan ng Department of Energy’s (DOE) Oil Industry Management Bureau na ang pagtaas ng presyo ng produktong langis ay dahil sa pandaigdigang paggalaw ng presyo at ang patuloy na kaguluhan sa pagitan ng Israel at Hamas.