-- Advertisements --

Asahan ang panibagong pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon sa Department of Energy (DOE) na maglalaro sa P1.20 hanggang P1.40 ang itataas sa kada litro ng gasolina.

Mayroong hanggang P0.80 na pagtaas sa kada litro naman ng diesel.

Habang hindi pa tiyak kung magkano ang itataas ng kerosene.

Inaasahan na sa araw ng Lunes ay iaanunsiyo ng mga oil companies kung magkano ang itataas sa presyo ng kanilang mga produkto.