-- Advertisements --

Isang pelikula na naman ni Hollywood actor Will Smith ang kinansela matapos ang naganap na pananampal nito kay Chris Rock noong 2022 Oscars.

Ayon sa Netflix na hindi na matutuloy ang bagong sequel ng pelikulang Bright na pinagbibidahan ni Will Smith.

Bagamat hindi binanggit ng film outlet ang dahilan ng pagkansela ng pelikula ay malaki ang paniniwala ng mga fans na may kaugnayan ito sa naganap noong Oscars 2022.

Magugunitang ipinagpaliban din ang pelikulang Bad Boys 4 at Fast and Loose na pelikula ng actor.

Dahil na rin sa kontrobersya ay pinagbawalan si Smith ng 10 taon sa nasabing Academy Awards.