-- Advertisements --

May nakaamba na namang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon sa Department of Energy na maaring maglaro ng hanggang P0.20 sa kada litro ang pagtaas sa gasolina.

Habang ang diesel ay mayroong mula P0.10 hanggang P0.30 sa kada litro ang itataas.

Maaring maliit din o walang paggalaw ang kerosene.

Sa araw pa ng Lunes malalaman kung magkano ang panibagong oil price hike na kadalasang ipinapatupad tuwing araw ng Martes.