-- Advertisements --

Magkakasabay na ipinatupad ng mga kumpanya ng langis ang taas presyo ng kanilang mga produkto.

Kaninang ala-6 ng umaga ng ipatupad ng P0.30 na taas presyo sa kada litro ng diesel.

Mayroon namang P0.65 ang pagtaas sa kada litro ng kerosene habang ang gasolina ay walang paggalaw ang naitala.

Ayon sa Oil Industry Management Bureau (OIMB) ng Department of Energy na ang paggalaw ay dahil sa pagbawas ng produksyon ng langis mula sa Organization of the Petroleum Exporting Countries at ang kanilang mga partners.