-- Advertisements --
Asahan na ang panibagong oil price adjustment sa unang bahagi ng susunod na linggo.
Ayon sa oil industry management bureau, ilang oil firms na ang nag-abiso sa kanila ng magiging paggalaw sa presyuhan ng mga produkto.
Ang halaga ng diesel ay inaasahang tataas mula P1 hanggang P1.20 kada litro.
Habang ang gasolina naman ay bababa ng P1.50 hanggang P1.60 para sa bawat litro.
Ang nasabing price adjustment ay maaari pang magkaroon ng mga pagbabago sa mga susunod na araw.