-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Muling niyanig ng malakas na lindol ang iba’t ibang bahagi ng Mindanao kaninang alas-2:11 ng hapon.

Base sa datos ng PHIVOLCS (Philippine Institute of Volcanology and Seismology), sentro ng malakas na pagyanig ang Padada, Davao del Sur, kung saan may lalim ito na 30 kilometro at tectonic ang origin.

Kaugnay nito, aminado ang ilang residente sa South Cotabato at maging sa North Cotabato na nanumbalik ang kaba at trauma na naramdaman ng mga ito sa nakaraang mga pagyanig na nag-iwan ng maraming casualties.

Ito’y lalo’t ilan sa mga biktima ang hindi pa rin “nakakabangon.”

Sa ngayon, patuloy ang assessment ng mga otoridad sa mga iniwang danyos ng panibagong lindol sa bahagi ng Mindanao kasabay ng panawagan na manatiling ligtas at huwag mag-panic.