-- Advertisements --
Pasisinayaan ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) ang isa na namang historical landmark sa Tubig-Indangan, Simunul, Tawi-Tawi.
Ito ang Sheik Karimol-Makhdum Mosque na itinuturing na oldest mosque in the Philippines at maging sa Southeast Asia.
Ang aktibidad ay isasagawa sa Martes, ika-7 ng Nobyembre, 2023.
Pangungunahan ito ni NHCP Chairman Emmanuel Franco Calairo.
Sa naturang seremonya, itu-turn over ni Chairman Calairo ang marker kay Simunul Mayor Wasilah Abdurahman.
Maging sina Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman at NHCP Deputy Executive Director Alvin Alcid ay inaasahan ding dadalo sa aktibidad.