Mariing kinondena ng National Security Council (NSC) ang panibagong pangha-harass ng China Coast Guard sa mga Pilipinong mangingisda sa bahagi nga Scarborough Shoal sa West Philippine Sea.
Batay sa isang video, nakikita na tinataboy ng Chinese Coast Guard ang mga Pilipinong nangingisda sa lugar.
Nakita din sa video na pinababalik sa mga mangingisda ang nakuha nilang mga shells sa karagatan.
Ayon kay National Security Council Spokesman, Assistant Director General Jonathan Malaya na sila ay nababahala sa nasabing insidente lalo at kanilang inaasahan na magiging tahimik ang West Philippine Sea ngayong 2024.
Pinasalamatan naman ni Malaya ang indibidwal na kumuha ng video na siyang naging daan para makita ng gobyerno ang kaganapan.
Inihayag ni Malaya na sa kabila ng insidente, maayos na nakauwi ang mga mangingisda.