Namamahagi ngayong araw ang pamahalaan ng panibagong bugso ng tulong pinansiyal para sa mga maliliit na retailers ng bigas sa iba pang mga lugar sa Metro Manila at Zamboanga del Sur.
Ito ay bahagi pa rin ng pagsisikap ng pamahalaan na matulungan maliliit na retailer na apektado ng ipinapatupad na price cap para sa regular at well-milled rice sa buong bansa.
Batay sa report ng DSWD, na nangangasiwa sa pamamahagi ng tulong pinansiyal, isasagawa ang distribusyon sa bayan ng Pateros, Navotas city, Parañaque city at Zamboanga del Sur.
Nasa 15 ang maliliit na retailer ng regular at well-milled rice sa Pateros ang mabibigyan ng P15,000 tulong pinansiyal, 161 retailers sa Navotas, 129 sa Parañaque at 32 naman sa Zamboanga del Sur.
Kaugnay ng nagpapatuloy na pamamahagi ng cash assistance, nakatakda ring magpulong ang DSWD at DTI ngayong araw para talakayin ang listahan ng mga benepisyaryo sa nalalabi pang mga lugar sa National Capital Region (NCR) at sa mga probinsiya