-- Advertisements --

Nasa Israel na ang kabuuang walong bihag na pinalaya ng mga Hamas sa ikapitong araw na pinalawig na ceasefire sa pagitan ng Hamas at Israel.

Sa unang batch na pinalaya ng Hamas ay sina French-Israeli na si Mia Schem na dinukot noong Oktubre 7 sa Supernova music festival at ang abogadong si Amit Soussana.

Ang pangalawang batch naman ay binubuo ng anim na katao na kinabibilangan ng isang bata.

Kinilala ang mga ito na sina: Sapir Cohen, Shani Goren, Nili Margalit, Ilana Gritzewsky,
Bilal Alziadana at Aisha Alziadana.

Kapalit ng mga pinalaya ng Hamas ay ang hindi na binanggit na bilang ng mga Palestinian na pinalaya ng Israel.

Magugunitang nasa pitong araw na ang tigil-putukan matapos na ito ay mapalawig dahil sa tulong ng Qatar, US at Egypt.