-- Advertisements --

Inaprubahan na ng Asian Development Bank (ADB) ang panibagong $400-million policy-based loan ng Pilipinas para makatulong sa pagpapabuti ng kapasidad ng mga local government units sa pagbibigay ng kalidad na serbisyo publiko, lalo na ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.

Ayon sa Manila-based multilateral lender, ang bagong policy loan sa ilalim ng Local Governance Reform Program Subprogram 2 ay makakatulong sa pagpapalakas ng service delivery framework ng mga LGUs, pati na rin sa modernization ng kanilang local public financiam management, at pagpapabuti rin sa kanila namang financing at investment framework.

Ayon kay ADB public finance economist for Southeast Asia Aekapol Chongvilaivan, mataas ang expectation ngayon sa mga LGUs dahil sila ang nasa forefront ng public service delivery sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Sa ilalim ng panibagong programang ito, sinabi ng ADB na susuportahan ng ADB ang iba’t ibang reporma para sa ilipat ang ilang gawain ng national government sa mga LGUs base na rin sa 1991 Local Government Code.