Minneapolis police
George Floyd killing

Nakatakdang humarap sa korte ang dating pulis na suspek sa pagpatay sa black American na si George Floyd.

Ito ang unang beses na pagharap ni Derek Chauvin mula ng sumiklab ang malawakang kilos protesta sa iba’t-ibang panig ng US noong Mayo 25.

Si Chauvin na dating pulis ng Minneapolis ay siyang lumuhod sa leeg ni Floyd ng arestuhin ito hanggang sa mawalan na ito ng hininga.

Maging ang tatlong kasamahan nitong pulis ay nahaharap sa kaso dahil sa hinid pagpigil kay Chauvin.