-- Advertisements --

Nagabiso ang Department of Public Works and Highways sa mga motorista na pansamantalang isasara ang ilang pangunahing ruta sa Metro Manila dahil sa isasagawang reblocking at repairs.

Isasara ang ilang mga ruta simula 11pm ng Biyernes hanggang July 18.

Ayon sa DPWH, kabilang sa mga rutang apektado ay sa EDSA NB Quezon City along Santolan MRT Station (EDSA Carousel bus lane) pagkatapos ng P. Tuazon flyover papuntang Aurora tunnel (3rd lane from center island fast lane) after Aurora Blvd. patungong New York (3rd lane from island, intermittent section) after Kamuning/Kamias Road patungong JAC Liner Bus Station (beside center island)

-C-5 Road Southbound (2nd lane) Makati City
-Quirino Highway Brgy. Balon Bato bago ang M.N.D.R. flyover (2nd inner lane)
-Cloverleaf (Chn.000-Chn 258) patungong NLEX NB
-Cloverleaf (Chn.000-Chn 234) patungong NLEX SB
-Along EDSA-Quezon City Southbound (Balingasa Creek to Oliveros Footbridge)

Muling bubuksan ang nasabing mga ruta 5am ng Lunes, July 18.

Pinapayuhan naman ang mga motorista na dumaan muna sa mga alternatibong ruta habang pansamantalang nakasara ang nasabing mga ruta.