-- Advertisements --

Kabi-kabila ang schedule ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa araw na ito.

Sa Macarthur Leyte Landing Memorial National Park sa Brgy. Candahug, Palo, Leyte magsisimula ang unang aktibidad ng Pangulo at ito ay kaugnay ng Leyte Gulf Landing Anniversary Commemoration na nakatakda alas-9:00 ng umaga.

Mula doon ay agad namang didiretso ang punong ehekutibo sa 75TH Ormoc City Diamond Charter day celebration sa Ormoc City Superdome, Ormoc City sa Leyte.

Pagkatapos ng dalawang presidential activity ay babalik na sa Metro Manila ang pangulo para naman sa isa pang event.

Ito ay ang gagawing 48th Philippine Business Conference and Exposition 2022 na inorganisa ng Philippine Chamber of Commerce and Industry at gagawin sa Manila Hotel, bandang hapon.

Kahapon ay naging abala din ang punong ehekutibo, na siyang nanguna sa anibersaryo ng Philippine Coast Guard at pagkagaling sa nasabing event ay lumipad ng Samar kung saan pinangunahan naman ang light up ceremony ng San Juanico bridge, ang tinaguriang pinakamahabang tulay sa ating bansa.