-- Advertisements --

Hinikayat ni pangulong Ferdinand marcos jr ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ipagpatuloy lamang ang paghahatid ng tulong sa mga mahihirap at nangangailangan sa pamamagitan ng ibat ibang programa ng ahensiya.

Kabilang dito ang pantawid pamilyang Pilipino program o 4ps, ang unconditional cash transfer program, social pension para sa mahihirap na senior citizens at assistance to individuals in crisis.

Sa kaniyang mensahe para sa ika 72 anibersaryo ng dswd, binigyang diin ng pangulo na sa ilang taong naharap ang bansa sa matinding epekto ng pandemya ng covid 19, Hindi natinag ang dswd sa kanilang mandato na tumulong at nagsilbing lifeline ng mahihirap na Pilipino.

Kung Hindi aniya sa DSWD, marahil ay marami nang Pilipino ang namatay dulot ng kahirapan na dala ng pandemya.

Kasabay nito ay kinilala ni marcos jr ang aniya ay pagiging matatag at mapagkakatiwalaan ng dswd sa lahat ng pagkakataon.

Ayon sa pangulo, batid niya ang sakripisyo ng mga taga DSWD dahil kahit saang lugar sa bansa, ay pinapupunta makapaghatid lamang ng tulong sa malalayong lugar at sa mga nangangailangan

Batid din aniya niya na ung minsan ang pakiramdam ng mga taga DSWD ay walang nakakakita sa kanilang ginagawa, subalit wag anila nilang intindihin ito sapagkat ramdam ng lahat ng Pilipino ang kanilang trabaho, tulong at sarkripisyo.

Sa ginawang pagpapasinaya ng pangulo sa bagong multipurpose building ng DSWD, sinabi nito na mahalagang magkaroon din ng isang venue ang mga kawani ng ahensiya para sa kanilang kapakanan at wellness program.

Mahalaga rin kasi aniya ang pagkakaroon ng occupational health and safety progam ng mga kawani ng DSWD.