-- Advertisements --

Nagpaabot na rin ng pakikiramay si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos sa pamilya ni dating Pangulong Fidel V. Ramos.

Aniya, namatay daw si Ramos na inialay ang buong buhay sa bayan bilang military officer at public servant.

Kaisa raw ang pamilya ni Pangulong Marcos sa pagdadalamhati ng sambayanan matapos ang malungkot na balita ngayong araw.

Hindi lamang daw nawalan ang bansa ng isang magaling na leader kundi nawalan din ng miyembro ng pamilya.

Kasabay nito, nanawagan naman ang pangulo ng dasal para sa dating pangulo.

“I call on all Filipinos to pray for the eternal repose of Mr. Ramos. The legacy of his presidency will always be cherished and will be forever enshrined in the hearts of our grateful nation,” ani Marcos sa kanyang Facebook post.

Samantala, nagpaabot na rin ng pakikiramay si dating Pangulong Joseph Estrada sa pagpanaw ni Ramos.

Aniya, ang buong bansa ay nalulungkot sa pagpanaw ng ika-12 pangulo ng bansa.

Taos puso taw itong nakikiramay sa buong pamilyang Ramos lalo na sa kanyang maybahay na si Ming Ramos.

Ngayong gabi lamang ay naglabas na rin ng statement ang pamilya ni Ramos.

Labis daw na ikinalungkot ng kanilang pamilya ang pagkamatay ng dating pangulo sa edad na 94-anyos.

Nagpasalamat ang mga ito sa pagrespeto ng sambayanan sa kanilang privacy habang nagluluksa ang kanilang pamilya.

Sa mga susunod na oras raw ay iaanunsiyo naman ng kanilang pamilya ang lamay at funeral arrangements ng dating pangulo.