
Muling itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Manuel Antonio Teehankee bilang permanent representative sa World Trade Organization (WTO) sa Geneva, Switzerland.
Ginawa ni Malacañang press briefer Daphne Oseña-Paez ang naturang anunsiyo sa press briefing ngayong araw.
Si Teehankee na nagsilbi bilang ambassador sa WTO simula pa noong 2017 sa ilalim ng Duterte adminsitration ay unang itinalaga ni Pangulong Marcos noong Hulyo 2022.
Bagamat una ng pinagpaliban ng Commission on Appointments ang pagkakatalaga kay Teehankee noong Disyembre ng nakalipas na taon matapos na hilingin sa kaniya na magsumite sa commitee ng kopya ng Understanding on Agreed Procedures na ang Pilipinas at Thailand ay lumagda para ayusin ang trade disputes sa pagitan ng dalawang bansa.
Si Teehankee din ay nanungkulan bilang undersecretary ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Undersecretary ng Department of Justice sa ilalim ng termino noon ni dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
Ginawaran din ito noong 2012 ng DFA Distinguished Service Award para sa kaniyang diplomatic service sa bansa.