Inirekomenda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hingin ang maaaring maitulong ng Japan sa harap ng mga aayusing nasirang imprastraktura sa Misamis Occidental kabilang na ang flood control nito matapos wasakin ng nagdaang kalamidad.
Sa situation briefing na dinaluhan ng Pangulo sa Misamis Occidental, inihayag nitong hindi matatawaran ang kakayahan at pagiging eskperto ng Japan kung pag-uusapan ay pagbibigay ng solusyon sa flood problem.
Binigyang diin ng Chief Executive na malawak ang karanasan ng bansang Japan sa pagresolba sa mga pagbaha at maaaring makatulong aniya ito ngayong kailangan ng imprastrakturang tutugon sa problema sa baha ng apektadong lalawigan.
At kaugnay ng problema ngayon sa baha ng probinsiya matapos na tamaan ng kalamidad, sinabi ng Pangulo na nais niyang madetermina ng Public Works Department ang sanhi ng patuloy pa ring paglubog sa tubig ng maraming lugar sa lalawigan.
Kaugnay nito’y nagmungkahi naman ng mga local officials ng Misamis Occidental na magtayo ng imprastrakturang magda-divert sa mga tubig papunta sa ilog upang kahit paano’y mabawas-bawasan ang tubig sa ilang mga lugar kabilang na ang bayan ng Clarin.
-- Advertisements --