-- Advertisements --

Hinimok ni dating National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Ernesto Pernia si Pangulong Bongbong Marcos na itigil muna niya ang mga foreign trips at mag-focus sa paglutas sa mga suliranin sa bansa lalong lalo na sa agrikultura.

Aniya, maraming mga problema sa bansa ang kaniyang dapat pagtuunan ng pansin lalo pa’t “very critical department” ang kagawaran na kaniyang hinahawakan.

Ang problema sa pagkain ang isa sa mga suliranin na hinaharap ng bansa.

Si Marcos ay kasalukuyang nasa Japan ngayon at ito na ang ika-sampu sa kaniyang mga foreign trip simula ng siya ay umupo sa posisyon.

Nauna nang iginiit ng Malakanyang na nakalikom ng mga pledges mula sa investors ni Marcos sa kaniyang mga trips.

Ngunit, naniniwala si Pernia na mas maiging lutasin muna nito ang problema ng bansa dahil ito ang makapagpa-boost sa confidence ng mga investors at nagpaparami ng mga investment.