-- Advertisements --
PBBM14 1

Hindi na kailangan pa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na mag-appoint ng full-time na Kalihim para sa Department of Agriculture.

Ito ang binigyang diin ni Surigao del Norte 2nd District Representative Robert Ace Barbers.

Ayon kay Cong. Barbers, makikita naman ng publiko ang pagtutok ni Pang. Marcos sa pagresolba sa mga problema sa sektor ng agrikultua sa bansa.

Dahil dito, hindi na dapat aniyang pwersahin na ibigay pa o ipagkatiwala pa ito sa iba.

Kasabay nito ay inirekomenda ni Barbers na magtalaga na lamang ng isang leutenant na kanyang maaasahan at mapagkakatiwalaan para makakatulong sa pagpapatupad ng kanyang mga programa at plano.

Naniniwala ang Kongresista na naging epektibo si Pang Marcos, simula nang maupo siya bilang kalihim ng DA.

Inihalimbawa nito ang mababa umanong presyuhan ng bigas na hanggang sa P25 kada kilo sa mga Kadiwa Stores sa bansa.

Kasama na rin dito ang umanoy hindi pagtigil ng pamahalaan na habulin ang mga cartel sa bansa, na nagpapataas sa ibat ibang mga agriculture commodities, katulad ng sibuyas.