-- Advertisements --
Dumating na sa Thailand si Pangulong Ferdinand Marcos Jr para sa pagdalo nito sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC).
Lumpag ang sinakyang eroplano nitong PR001 sa Don Mueang International Airport dakong alas-6 ng gabi oras sa Pilipinas.
Kasama nito si First Lady Louise Araneta-Marcos at mga delegasyon para sa apat- na araw na pagbisita.
Ilan sa mga tatalakayin ng pangulo asy ang usapin sa enerhiya at food security.
Ayon kay Office of the Press Secretary (OPS) na nakatakdang makasalamuha ng pangulo si King Maha Vajiralongkorn Phra Vajiraklaochaoyuhua at Queen Suthida Bajrasudhabimalalakshana.










