Wala ng nararamdamang sintomas ng coronavirus si Pangulong Ferdinand Marcos Jr ayon sa Malacañang.
Batay sa lead doctor na sumuri sa kalusugan ng Pangulo na si Dr. Samuel Zacate nitong Miyerkules, wala ng ubo, lagnat, pagbabara at pangangati ng ilong na nararamdaman ang Pangulo kung kayat asymptomatic ito sa ngayon.
Ayon sa obserbasyon ng doktor ng Pangulo, normal ang vital signs nito at walang respiratory distress.
Sianbi naman ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles inaasahan din na matatapos sa araw ng Biyernes, July 15 ang isolation ng Pangulo kung hindi na makaramdam ulit ng senyales at sintomas ng COVID-19 at hindi makaranas ng lagnat sa susunod na 24 na oras.
Ayo pa sa Press Secretary, natapos na rin ng Pangulong Marcos ang kaniyang medications at handa ng bumalik sa kaniyang pisikal na aktibidad at engagements pero kukumpletuhin pa ng Pangulo ang kaniyang 7-day isolation alinsunod sa protocol ng health department.
Nauna rito, nagpositibo sa COVID-19 si Pangulong Bongbong Marcos noong July 8 bagamat patuloy pa rin ang pakikipagpulong nito sa pamamagitan ng teleconferencing sa miyembro ng kaniyang Gabinete.