Tiniyak ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) na updated ang Pangulong Rodrigo Duterte sa sitwasyon ng mga residenteng apektado ng nag-aalburutong bulkang Mayon.

Ayon kay NDRRMC spokesperson Romina Marasigan, may direktang ugnayan ang pangulo at si NDRRMC Executive Director USec Ricardo Jalad.

Sinabi ni Marasigan na araw araw din anyang nagpapasa ng presidential briefer sa Malacañang ang NDRRMC tungkol sa mga sitwasyon ng bulkang Mayon at mga apektadong residente.

Patuloy ang ayuda na ibinibigay ng national government sa Albay.