-- Advertisements --

Pinuna ng ilang senador si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbibiro ukol sa muling pag-alburuto ng Taal volcano, na naging sanhi ng paglikas ng mga residente sa ilang bayan sa Batangas.

Matatandaang naging isa sa paksa ng pagbibiro ng pangulo ang pagsasabing takpan na lang ang bunganga ng bulkan para hindi sumabog.

Para kay Sen. Ping Lacson, seryosong sitwasyon ito at maaaring maghatid ng panganib sa taong bayan.

“While people are panicking and serious evacuation work is ongoing in some Cavite and Batangas municipalities threatened by the eruption of Taal Volcano, making fun of its deadly crater is not funny,” wika ni Lacson.

Habang sa statement naman ni Sen. Manny Pacquiao, sinabi nitong dapat seryosohin ang krisis na dala ng abnormalidad ng Taal.

Pero una nang ipinagtanggol ni Sec. Harry Roque ang paminsan-minsang pagbibiro ng pangulo, dahil nais lamang daw ng chief executive na mapanatag ang kalooban ng ating mga kababayan.