Davao City – Dumalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa miting de avance ng mga lokal na kandidato sa ilalim ng Hugpong ng Tawong Lungsod at Hugpong ng Pagbabago na isinagawa kagabi dito sa San Pedro Square, Davao City. Dumalo din sa miting de Avance si Sen. Bong Go, Vice Presidential Bet Davao City Mayor Inday Sara Duterte – Carpio, ang kasalukuyang Vice Mayor Sebastian Duterte at iba pang mga lokal na kandidato.
Sa kanyang naging talumpati pinayuhan ni pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang anak na si Davao City Vice Mayor Sebastian Baste Duterte na kung magiging mayor ito umpisahan na dapat na matuto na itong pumatay narito.
Napag alamang tumatakbong Mayor nitong Lungsod si Baste.
Muling nilinaw ni Pangulong Duterte na wala siyang ini-endorsong kandidato pagka Pangulo at mananatili siyang neutral sa ganoong usapin.
Binanatan rin ng Pangulong Duterte si Sen. Richard Gordon at tinawag pa nitong ” Magnanakaw” dahil sa mga anomalya umano na kinasasangkutan nito. Kung kaya pina-alalahaan ng Pangulo ang mga Dabawenyo na maging mapanuri at di na hahayaan pang makabalik sa pwesto ang mga magnanakaw na Senador.
Mga ka Bombo Ating Pakinggan ang naging pamahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Samantala hindi nagpang abot sila Mayor Inday Sara Duterte at Pangulong Duterte, dahil kaagad umalis si Mayor Inday Sara sa kadahilanan na baka mapagalitan na naman ng Pangulo.
Ngayong Lunes Mayo a- 9, si Pangulong Duterte at Davao City Mayor Inday Sara Duterte – Carpio ay nakatakdang boboto sa Daniel R. Aguinaldo National High School kung saan yung naka preserve na upoan nga ni Pangulong Duterte na gigamit nitong nakaraang 2016 Local at National Election ay muling gagamitin ng Pangulo ngayong Lunes.
Samantala si Vice Mayor Sebastian Duterte naman ay nakatakdang boboto sa Polling Presinct sa Catigan, Toril, Davao City.