-- Advertisements --
Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang bagong Food and Drugs Administration (FDA) chief ang kaniyang lead physician na si Dr. Samuel Zacate.
Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, si Zacate ay isang kilalang public health advocate na may ilang taon ng eksperto sa medisina at medical consultancy sa ibang government units at offices.
Kabilang dito sa Public Attorney’s Office at sa Presidential Security Group Hospital.
Bago ang appointment ni Zacate sa FDA, nagsilbi din itong diplomate ng Philippine Society for Venereology at fellow ng International College of Surgeons.