-- Advertisements --

Aprubado na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagbuo ng Water Resource Management Office (WRMO) na siyang magma-manage ng water resources ng bansa, at tutugon sa kasalukuyang environmental challenges sa pamamagitan ng government effort at tulong ng lahat ng sektor sa gobyerno.

Sa isinagawang multi-sectoral meeting sa Malacañang, tinalakay ng pangulo ang kahalagahan ng pagpaplano sa water management.

Ipinunto rin ng pangulo ang pangangailangan ng plano na magsisilbing roadmap para sa waste management agencies.

Pagbibigay diin ng Pangulo na mahalaga sumunod sa plano kaya pinaigting nito ang mandato ng Water Management.

Iminungkahi ng pangulo na ang maging unang aksyon ng bubuuing tanggapan ay ang pagtutok upang mabawasan ang reliance ng bansa sa groundwater at deep well, maging ang pag-manage ng surface water supply.

Ayon kay PCO Secretary Cheloy Velicaria -Garafil, bubuo ng executive order, para sa pagkakaroon ng collaborative mechanism sa pagtutulungan ng National Water Resources Board (NWRB), MWSS, LWUA at iba pang water-related agencies ng DENR, para sa implementasyon ng water management programs.

Sinabi ni Garafil na kabilang sa main functions ng Water Resources Management Office ay bumuo at tiyakin na ang implementasyon.

Integrated Water Management Plan (IWMP), ay mag integrate sa ibat ibang plano ng ibat ibang ahensiya.

Ang nasabing tanggapan ay mapapasailalim sa DENR, at magsisilbing transitory body, habang hinihintay pa ang Water Resources Department.