-- Advertisements --
Nagbitiw sa kaniyang puwesto ang pangulo ng Lebanon na si Michel Aoun.
Ang 89-anyos na Christian president ay siyang nangasiwa ng cataclysmic financial meltdown at madugong pagsabog sa port ng Beirut.
Pinuntahan ng ilang libong mga supporters nito ang Baabda Palace para sa pamamaalam ni Aoun.
Magsasagawa pa ng pagpupulong ang parliyamento para magbotohan sa susunod na ipapalit kay Aoun.