-- Advertisements --

Nanawagan ngayon ang Philippine Red Cross (PRC) sa blood donors na tulungan silang mapunan ang malaking pangangailangan sa dugo ngayong holiday season.

Layunin nitong magkaroon ng blood reserves, bukod pa sa regular na nagagamit sa mga karaniwang pangangailangan.

Paliwanag ni PRC chairman Sen. Richard Gordon, mas tumataas ang demand sa dugo sa ganitong panahon, dahil sa holiday related injuries.

Ang nakadagdag pa sa hamon ngayon ay ang umiiral na COVID-19 pandemic, kaya ibayong pag-iingat ang kailangan para sa mga tauhan ng PRC at maging sa mga blood donors.

Tiniyak naman ng opisyal na maingat ang kanilang mga tauhan, upang matiyak na napapanatili ang minimum health protocols.