-- Advertisements --
juanito remulla

Ibinasura ni Las Piñas City Regional Trial Court (RTC) Branch 197 Executive Judge Ricardo Moldez II ang kasong Paglabag sa Section 11 art 2 ng RA 9165 o ilegal possession of dangerous drugs laban sa anak ni Department of Justice Sec. Jesus Crispin Remulla.

Juanito was nabbed during a controlled delivery operation by the Philippine Drug Enforcement Agency and the Ninoy Aquino International Airport Inter-Agency Drug Interdiction Task Group at Talon Dos, Las Piñas on October 11.

Sa 34 na pahinang kautusan ni Judge Moldez, nakasaad ditong ang pagkabasura ng kaso laban kay Juanito Remulla ay dahil sa reasonable doubt o may pag-aalinlangan.

Nag-ugat ang kaso ni Remulla sa isang controlled delivery na isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Nasabat sa kanya ang bagahe na naglalaman ng high grade marijuana o kush na umaabot ng 900 grams na mayroong street value na P1.3 million na nagmula naman sa ibayong dagat.

Nagpasok naman ng not guilty plea ang nakababatang remulla sa illegal drug possession charge.

Nahaharap din ito sa kasong importation of dangerous drugs at paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act Sa Pasay City Prosecutor’s Office.

Naaresto si Juanito ng Philippine Drug Enforcement Agency ng Ninoy Aquino International Airport Inter-Agency Drug Interdiction Task Group sa Talon Dos, Las Piñas noong October 11.