-- Advertisements --

Pinuri ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr, ang American nuclear firm sa planong maglagak ng energy investment sa bansa.

Ito’y matapos nakipag pulong ang Punong Ehekutibo sa mga opisyal ng Ultra Safe Nuclear Corporation (USNC), isang kumpanyang nangunguna sa nuclear technology at renewable energy sa Amerika.

Nabatid na pangunahing tinalakay dito ang kooperasyon sa sektor ng enerhiya ng Pilipinas.

Ikinalugod naman ni PBBM ang pangako ng kompanya na mamuhunan sa micro modular reactors at power generation projects na naka-angkla sa layunin ng kanyang administrasyon na magbigay ng malinis na enerhiya sa bansa.

Maliban kay Pangulong Marcos, kasama rin sa nasabing business meeting sina Finance Secretary Ralph Recto, Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual, at House Speaker Martin Romualdez.

Matatandaang nakaharap na rin ng chief executive ang mga kinatawan ng kompanya noong 2023 at maging ang US Presidential Trade and Investment Mission noong nakaraang Marso ngayong taon.

“You’re done already in the House. Okay. So, that the elements that need to be there, the provisions that need to be (included), we can do in the Senate and then there’s one of course, is the bicam down the road. So, that would be the process on the – from the government side. And then presuming that they’re going to – we spoke about this before. We’re going to go ahead with the program, with project – will be the training of the people who actually… who will actually operate the plan,” pahayag ni Pang. Marcos.