-- Advertisements --
image 318

Pinapa-monitor ni Pang Ferdinand Marcos Jr sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang ilegal, unreported, at unregulated fishing(IUUF) na umano’y nangyayari sa ibat ibang bahagi ng bansa.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Velicaria-Garafil, inatasan na ni Pangulong Marcos ang Fisheries Bureau na gumawa ng komprehensibong pag-aaral upang matukoy ang patuloy na pamamayagpag ng mga nasabing problema sa fisheries sector.

Inatasan din aniya ng pangulo ang BFAR na bumuo ng komprehensibong pag-aaral sa rehabilitasyon, kasama na ang maintenance ng mga marine habitat sa buong bansa.

Ang nasabing atas aniya ay bilang tugon na rin ng pangulo sa commitment ng Pilipinas sa international arena, lalo na sa Eurupean Union, na tugunan ang ilegal, unreported, at unregulated fishing.

bahagi ng kautusan ng Pangulo ay ang pagtutulungan ng DA, BFAR, at ng Executive Secretary upang makabuo ng mga panununtunan para sa paglalagay ng mga Vessel Monitoring System(VMS).

Sa pamamagitan ng mga VMS ay mamomonitor ang mga fishing vessel, at matiyak na naitatala ng maayos ang volume ng kanilang mga huling isda.