-- Advertisements --

May nakitang pangangailangan si Pang. Ferdinand Marcos Jr na i-reorganized ang National Intelligence Coordinating Agency (NICA) na layong palakasin pa ang intelligence gathering and analysis ng ahensiya upang matiyak ang national security at isulong ang national interest.

Dahil dito naglabas ng Executive Order No. 54 ang Malakanyang na nag reorganized sa NICA.

Ang tatlong-pahinang EO No. 54 ay primado ni Executive Secretary Lucas Bersamin.

Layunin ng pag reorganized ng NICA ay para maka-adapt sa nagbabagong mga banta sa national security.

Kailangan umanong paigtingin ang internal at external coordination sa foreign at domestic counterparts.

Bilang pangunahing bahagi ng reorganization, itatatag ang Office of the Deputy Director General (ODDG) for Cyber and Emerging Threats.

Tungkulin nito na magbigay ng direksyon sa pangkalahatang pagpaplano, pangangasiw at koordinasyon ng NICA sa counter-intelligence at counter-measures laban sa cybersecurity threats, weapons of mass destruction, at iba pang banta.

Ang ODDG for Cyber and Emerging Threats ay pamumunuan ng Deputy Director General na may ranggong Assistant Secretary at itatalaga ng Presidente.

Bubuuin ito ng Directorate for Counterintelligence and Security (DCS) at Directorate for Cyberintelligence and Countering Weapons of Mass Destruction (DCCWMD).

Ang NICA ay binuo sa pamamahitan ng EO No. 246 (s. 1987).