Hinimok ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. Indo-Pacific community na tiyakin na ang “great powers” ay hindi ituturing ang mundo bilang “arena” para sa kanilang kompetisyon.
Ito ang inihayag ng Presidente ng humarap at magsalita sa Lowy Institute sa sidelines ng ASEAN-Australia Special Summit sa Melbourne, Australia.
Inimbitahan kasi ang Pang. Marcos na mag deliver ng kaniyang keynote speech kung saan kaniyang ibinahagi ang pananaw ng Pilipinas sa tinatawag na “great power” rivalries.
Si Pang. Marcos ang unang Presidente ng Pilipinas na magsalita sa Lowy Institute.
Ayon sa punong ehekutibo ang paghahangad ng kani-kanilang mga estratehikong layunin ng mga dakilang kapangyarihan ay hindi dapat kailanman magdulot ng kapinsalaan ng interes sa mga mas maliliit na estado, o sa regional and international peace.
Aniya ang mga tunggalian ng dakilang kapangyarihan ay isa lamang sa ilang mga bagyo na nagpapagulo sa tubig na humaharap sa karaniwang paglalakbay ng sangkatauhan sa napakahalagang yugto.
Sa kabilang ng mga hamon, binigyang-diin ng Pangulo na ang rules-based international order ang siyang natatanging “ballast stabilizing” sa iisang adhikain.