Hinamon ni Pang. Rodrigo Duterte ang bagong graduates ng Philippine Military Academy (PMA) na itama ang mga nananatiling problema ng bansa na hanggang sa ngayon ay nagpapatuloy.
Ayon sa Pangulo sa anim na taon ng kaniyag pamumuno ginawa nito ang lahat na nagkaroon ng bunga subalit hindi ito tuluyan pang nawala.
Binigyang-diin din ng Pang. Duterte sa mga bagong graduate ng Bagsik Diwa class of 2022 na simula na ang kanilang responsibilidad sa bayan.
Pina-alalahanan dun ni Pang. Duterte ang mga nagtapos na mga kadete na maging tapat sa tungkuling protektahan ang mamamayan at ang bansa.
Binigyang-diin ni Duterte na ang ang susunod na henerasyon ang mga tutugon sa mga problema ng bansa tulad ng krimen, korapsiyon at ilegal na droga.
Ito na ang huling pagdalo ng Pang sa PMA graduation dahil sa June 30,2022 magtatapos na ang kaniyang termino.