Pinangunahan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ang groundbreaking sa housing projects sa Quezon City sa ilalim ng flagship Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Program at pagkatapos nagsagawa ng walkthrough sa Batasan Development Urban Renewal Plan na ginanap sa Batasan Tricycle Operators and Drivers Association.
Ininspeksyon ng Pangulo ang plano para sa housing project sa siyudad.
Kasama ni Pangulong Marcos Jr. sila Quezon City Mayor Joy Belmonte, House Speaker Martin Romualdez at Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Sec. Jose Rizalino Acuzar na umiikot upang siyasatin ang mga plano para sa itatayong pabahay sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program ng pamahalaan.
Nagpasalamat si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa Pangulo sa suporta nito sa siyudad.
Sinabi ni Belmonte na sa unang phase sa Batasan area’s redevelopment project ay kabilang ang construction ng dalawang 33-storey buildings na may kabuuang 2,160 housing units.
Samantala, nakikiisa naman ang pangulo at sa buong bansa sa pasasalamat sa Department of Social Welfare and Development sa kanilang 72nd anniversary para sa kanilang di-matatawarang paglilingkod nito sa bayan.
Binigyang diin ng Pangulo na mananatiling kasangga ng DSWD ang kaniyang administrasyon sa pagbibigay ng maaasahang serbisyo sa bawat Pilipino.