Tiniyak ni ONE Championship Chairman at CEO Chatri Sityodtong na magkakaroon ng pang-apat na harapan nina Kevin Belington at kasalukuyang ONE bantamweight world champion Bibiano Fernandes.

Huling naglaban ang dalawa noong Marso kung saan na-disqualify si Belingon matapos aksidenteng masiko nito ang likod ng ulo ng Brazilian fighter.

Nagpahayag naman ng hindi pagpayag si Fernandes na sila ay magharap ng ikaapat na beses dahi sa alam niyang siya ang nanalo.

Sa panig naman ni Belingon na bukas si Fernandes na ipagpatuloy ang kaniyang protesta kung ano ang nais niya subalit mahalaga ang pang-apat na paghaharap para tunay na malaman ang mananalo.