-- Advertisements --

Kinundena ni Chua ang umanoy maling paggasa ta ni VP Sara sa P612.5 million confidential funds na maituturing na “abuse of public trust”.

Sa pagdinig ng komite ngayong araw kanila ng tatapusin ang isyu sa confidential funds.

Ayon kay Chua panahon na upang harapin ang katotohanan na hindi lahat ng mga nahahalal o nalalagay sa posisyon sa gobyerno ay pwedeng basta-bastang pagkatiwalaan.

Giit ni Chua Kailangan magkaroon ng safeguards, maging sa ‘confidential funds.’ Sapagka’t hindi maiiwasan na may mga magtatangkang gamitin ang pagka-confidential nito upang itago ang impormasyon at pang-aabuso sa tiwala ng taumbayan.

Dagdag pa ni Chua sa kaalaman ng lahat, ang ‘confidential’ funds ay hindi ‘discretionary’ allowance o funds ng isang ahensya at Hindi rin sya ‘secret funds

Sabi pa ni Chua Ginagamit nila ang salitang ‘confidential’ upang magbigay sa atin ng pekeng ilusyon na kahit ito’y lihim, ang mga pondo ay ginastos nang tama.

Napansin din ni Chua na ang halaga ng fidelity bond para sa special disbursing officers na siyang inatasan na i manage ang malaking halaga ng pondo ay napakababa.

Tinukoy ni Chua ang kaso ni SDO Gina Acosta ng OVP, na pinagkatiwalaan ng P500 million subalit ang fidelity bond ay nasa P8 million at maging si SDO Edward Fajarda ng DepEd na pinagkatiwalaan ng P50 million at ang kaniyang bond ay nasa P4 million.

Nagpahayag din ng pagkabahala si Chua na walang maayos na sistema o paraan upang masigurado o mai-check o audit ng COA (Commission on Audit) na nasa wasto ang paggasta ng mga confidential funds,” he said.

Ayon sa kongresista, panahon na upang magpatupad ng mas mahigpit na mga alituntunin sa paggamit ng confidential funds, para sa mga confidential na gastos upang masiguro ang transparency.

Binigyang-diin ni Chua na karapatan ng mamamayang Pilipino malaman kung saan napunta ang kanilang pinaghirapang pera.