-- Advertisements --

Mas dumami pa ang nanawagan sa pagpapalaya ni WNBA star Brittney Griner matapos na makulong habang ito ay nasa Russia.

Si Griner ay naaresto matapos na makuhanan ng isang ipinagbabawal na substance sa dala nitong vape habang nasa paliparan sa Moscow.

Nasa Russia kasi ito para lumahok sa torneo sa isang lokal na basketball league doon.

Sakaling mapatunayan ng korte ay posibleng makulong ng hanggang 10 taon ang 31-anyos na si Griner.

Bukod sa mga WNBA ay nanawagan si NBA star Kyrie Irving sa White House na dapat i-prioridad ang kaso ni Griner.

Kasabay ng kaniyang ika-100 araw ng pagkakakulong ay naglabas ng panawagan ang WNBA na dapat huwag tumigil ang mga fans nila na manawagan para agaran mapalaya si Griner.