-- Advertisements --

Mariing tinutulan ni Magsasaka party-list Rep. Argel Cabatbat ang panawagan ng Philippine Association of Meat Processors Inc. (PAMPI) sa kanilang mga miyembro na huwag bumili ng mga local pork hanggang sa ideklara ng pamahalaan na wala nang African swine fever (ASF) sa bansa.

Sa isang statement, sinabi ni Cabatbat na bagama’t mahalagang ma-contain ang ASF breakout sa bansa, maituturing aniyang “misinformed” at lalo pang makakasama sa hog raising industry ang panawagan ng PAMPI na i-boycott ang local pork.

Ang panawagan na ito ng PAMPI ay nag-ugat sa pagkumpiska sa mga branded at homemade hotdogs, tocino, at longganisa na nagpositibo sa ASF.

Sinabi ni PAMPI spokesperson Rex Agarrado kamakailan na mas kumpiyansa pa raw sila sa kanilang imported sources kaysa mga local pork.

Pero ayon kay Cabatbat, walang ibang maidudulot ang pahayag na ito ng PAMPI kundi ang panic lamang sa hanay ng mga mamimili.