-- Advertisements --

Iginiit ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na imposible ang panawagan ng ACT Teachers party-list para sa pagkuha ng 30,000 na mga bagong guro at pagtatayo ng 50,000 bagong silid-aralan taun-taon.

Inakusahan din ni Duterte ang party-list group na pikit-mata sa mga putukan malapit sa mga paaralang kinasasangkutan ng mga rebeldeng komunista.

Sinabi ng Bise Presidente na hindi bulag ang DepEd sa mga problemang bumabagabag sa sistema ng edukasyon.

Aniya, ang pagkuha ng mga guro at administrative staff, gayundin ang pagtatayo ng mga bagong silid-aralan at mga gusali ng paaralan, ay kabilang sa mga solusyong natukoy at hinahabol ngayon ng gobyerno.

Nangangatwiran ang Education chief na dapat kundenahin ng ACT Teachers party-list ang “terorismo” ng New People’s Army (NPA) sa Masbate na nagresulta sa pagsususpinde ng klase sa anim na bayan ng lalawigan, na nakaapekto sa mahigit 55,000 mag-aaral at 2,815 tauhan.

Binigyang diin ni ni VP Duterte na ang mga tunay na biktima dito ay ang mga nag-aaral, at ang Department of Education ay ibinubuhos ang lahat ng pagsisikap upang malutas ang naturang problema.