Binansagan ni House Deputy Speaker at Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez bilang “knee-jerk reaction” ang mga panawagan na tanggalan ng pondo ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Hindi naman aniya wasto na basta tanggalan ng pondo ang NTF-ELCAC dahil lamang sa naging pahayag ng tagapagsalita nito.
Ang mainam na gawin muna aniya ay magkaroon ng wastong imbestigasyon sa kung paano ginastos ng NTF-ELCAC ang pondong ibinigay sa kanila para sa evaluation.
Sinabi ni Rodriguez na dapat maging maingat ang mga mambabatas sa pagkonsidera sa posibilidad na tanggalan ng pondo ang NTF-ELCAC.
Ang P19-billion na budget ng kasi ng NTF-ELCAC na inaprubahan ng Kongreso ay para sa pakinabang ng 800 malalayong barangay na dating hindi naaabot ng gobyerno.
Sa mga nakalipas na araw, ilang mga mambabatas ang nagsusulong na tanggalan ng pondo ang NTF-ELCAC kasunod ng umano’y red-tagging spree maging sa mga organizer ng community pantries.










